Ilang araw na lang at bagong taon na naman, ang bilis ng panahon, dati-rati kasama pa kita pero tingnan mo ngayon magkalayo na tayo. Hindi mo talaga masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Nakakalungkot man pero lahat tayo, kailangan nating pag-ibayuhin pa ang ating kaalaman at hanapin na rin ang ating sarili.
* * *
Hayyyyy! ano na nga bang nangyari sa akin ngayong taong ito? Nalungkot, umiyak, natuwa... sari-saring emosyon pero lahat ang sarap balik-balikan. Natatawa ka na lang kapag naiisip mo ang mga bagay na iyon. Parang bata talaga, pero ang dami ko namang natutunan sa totoo lang. Mga bagong kaibigan na dating kaibigan pero ngayon lang naging kaibigan, magulo di ba.
* * *
Eh ngayon kayang darating na taon, may inaasahan ba ako? Sana matupad ang mga kahilingan ko, mababaw lang naman kasi kaya siguro pagbibigyan na ako ni Lord. Hindi naman sya nagdadamot kaya nga lang kung hindi naman para sa'yo di na Nya pag-aaksayahan pang ibigay sa'yo. Lord, kailangan non ah! ewan, parang bata kasi kung humiling, pero may sense naman yon, it will not go to waste kung ano man ang kahilingan ko.
* * *
New Years Resolution? Ano ba yon, ala namang nagyayari, kaya 'wag na lang... basta ngayong taon na 'to, Pinoy ako!!!