Tuesday, September 20, 2005

Hu u?

Hay naku! Badtrip talaga, I was late today! My God talaga sya! Saan kaya pinaglihi ang lalakeng yon at talaga namang ubod ng ----! Nakakagalit talaga sya! Mas gago, makapal ang mukha, mayabang at maarte naman talaga sya! He started it all! Kung sana'y sinabi nyang naka-PDA sya at di nag-aappear yong #, di maayos sana ang lahat at di na hahantong sa madugong usapan! Ang arte kasi, ako pang may kasalanan at iniligtas nag sarili nya! Kesyo naka-ilang tanong tanong na raw sya na "Hu u?", the question I hate most, why do I need to answer him samantalang reply lang naman ang ginawa ko sa kanya. The hell! Nauna syang magmura, sinagot ko lang sya! Naku! I swear kahit magunaw ang mundo di ko na sya itetext... well sa ugali nyang yon, di na yon magtetext at lalong hindi na rin siguro kami magkikita, ngayon pa! Wala namang effort yong tao na yon e! Gusto lagi sya ang tama at sya ang magaling! Ok fine sya na nga ang bida! Bakit kaya may mga taong ganun? Dala kaya ng pagtanda?

Ewan ko ba! ang sama ng tulog ko, pero kabaligtaran naman ng panaginip ko sa kanya! Nag kiss and make-up raw kami at take note naka dreadlock hair nya! He's so gross talaga, kaya ako na-late e! Buti at di ako binangungot. Goodbye friend na kaya kami?

Bakit nga kaya yong mga friends na tinuturing mo, sila pa yong more abusive and more demanding. Lagi na lang ba ako mag-aadjust for them?